Mga lespu, epal kahit dise-oras na ng gabi

EXCLUSIVE

Ni Ian Raphael Lopez, Editor-in-Chief

Tila ba’y naninindak ang mga pulis sa organizers ng isang community pantry sa Quezon City, at pilit na hinihingi ang kanilang personal na impormasyon — kahit na dise-oras na ng gabi.

Ito ang nakakagimbal na dinaranas nina Angeline Mendoza, isang nakasaksi sa pangyayari kagabi sa Kasiyahan, Don Antonio Brgy. Holy Spirit, Q.C.

Alas-10 na ng gabi nang kinatok ng mga pulis — na naka-civillian clothing — ang tahanan ng organizers na nagsisilbing opisina rin ng grupong Kadamay. Kasama ng mga pulis ang ilang tanod ng purok.

“Talagang kinatok pa kami para alamin kung sinu-sino ang mga tao na nandito… Gusto pa nga mangyari e ibigay namin ang pangalan ng nakatira dito sa opisina,” sabi ni Mendoza.

Ang dahilan ng mga pulis ay “validation” raw. “Dahil di naman kami pinanganak lang kahapon, edi tinanong namin na para saan yung validation e gabing gabi na? At may curfew hours tayong pinapatupad,” tanong raw nina Mendoza sa mga pulis.

Nag-antay pa raw ang mga pulis matapos masopla ng mga organizers. Kaninang umaga, kinausap raw nila ang opisyales ng purok at doon nila nalaman na ang mga pulis umano ang atat mag-imbestiga.

“Pinuntahan siya ng mga pulis doon sa bahay niya, para magpasama sa kaniya na puntahan kami sa [opis],” kuwento ng organizer. Nag-iwan pa raw ng cellphone number ang mga pulis para raw isumbong kung may isasagawang “aktibidad” ang mga kagrupo ni Angeline.

NAKAKAPAGTAKA

Hindi lang naabala ang tulog nina Angeline, ngunit nagtataka rin sila sa kakaibang oras ng “validation”.

“Siyempre, bilang gabi, alarming para sa amin ‘yun. Bakit mo naman kakatukin, eh sa oras na ‘yan matutulog na kami eh…”

Tingin pa ni Angeline, nakakabahala ang rason na “validation” raw ang dahilan ng pagkatok, at sobrang espesyal naman raw nila kung sila lang ang kakatukin. “Kung validation ng residential [area] ‘yan, hindi lang dapat kami ang kakatukin.”

HARASSMENT

Dahil raw siguro sa sunod-sunod na pagsulpot ng community pantries ang dahilan na nakikita nila kaya bumisita ang pulis.

“Malinaw na harassment ang ginagawa nila sa mga taong gusto lang namang tumulong,” sabi niya sa Forward. “Matagal na ang Kadamay rito pero wala namang ganitong nangyari.”

Tingin ni Mendoza, ayaw lang masapawan ng mga nasa gobyerno kaya ganito ang ginagawa ng mga pulisya.

“Wala naman silang ginagawa talaga kasi e, para makatulong sa kapwa. Mga inutil naman kasi sila talaga… nakikita nilang may mga taong nagtutulungan at nakakapagbigay, kaya ang ginagawa nila ay nanghaharas.”

Dito raw nagkakamali ang mga pulis. “Talagang dapat hindi mahinto ang mga community pantry, para ipamukha sa kanila,” saad pa nito.

One comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s